Patay ang isang lalaki na hinihinalang nakuryente matapos na umakyat sa poste nang mawalan ng suplay ng elektrisidad ang kanilang bahay sa Port Area, Manila nitong Huwebes.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Arwin Cabugayan, 35, at residente ng 11th Street, Delgado, Roberto Oca, Port Area.

Sa pagsisiyasat ni PCPL Charles Benzon Dela Torre, ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, nabatid na dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa naturang lugar.

Ayon kay Rica delos Santos, 30, live-in partner ng biktima, bago ang insidente ay biglang nawalan ng suplay ng kuryente ang kanilang bahay.

Tinawag na lutang, lugaw, madumb: Leni 'di minura at nagbantang ipapatay si Digong

Dahil dito, nagpasya umano ang biktima na umakyat sa poste ng kuryente upang ayusin sana ang problema.

Nagulat na lang umano siya nang maya-maya lamang ay nakarinig na siya ng malakas na kalabog.

Nang tingnan kung ano ang nangyari ay nakitang nakahandusay na ang biktima sa sementadong kalsada at walang malay.

Kaagad naman itong isinugod sa pagamutan ngunit patay na rin ito.