Tinawag ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na “delulu” matapos itanggi ng huli ang mga alegasyong nang-abuso siya ng mga babae dahil ang totoo umano’y siya ang pinag-aagawan ng mga ito.

Matatandaang sa isang pahayag na inilabas ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa YouTube nitong Miyerkules, Pebrero 21, iginiit ni Quiboloy na dahil single daw siya ay pinag-aagawan siya ng mga babae, at binaliktad daw siya ng mga ito matapos niyang hindian ang kanilang gusto sa kaniya.

“Ito po ang kasalanan ko. Pinayaman ako ng Panginoong Diyos. Single ako, kaya pinag-aagawan ako. Pagkatapos na ako ay maghi-hindi, mapapahiya, ibabaliktad nila sa akin. Iyan ang tinatawag kong Potiphar’s wife syndrome,” ani Quiboloy.

Quiboloy, itinangging nang-abuso ng mga babae: 'Pinag-aagawan nila ako'

“DELULU! 🤢🤮,” reaksiyon naman ni Manuel dito.

“What if humarap siya sa Kamara at Senado in compliance to the subpoenas. Para malaman niya kung uubra ang imaginary rizz niya,” dagdag pa niya.

Matatandaang naglabas kamakailan ng subpoena ang Senado at Kamara laban sa pastor kaugnay ng mga umano’y pang-aabuso ng KOJC, at ng mga nilabag umano ng SMNI.

https://balita.net.ph/2024/02/19/subpoena-vs-quiboloy-nailabas-na-hontiveros/

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/02/22/quiboloy-inakusahan-si-pbbm-na-nakipagsabwatan-sa-us-para-patayin-siya/