Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes na ang pamahalaang lungsod ay magdaraos ng dalawang araw na ‘Mega Job Fair’ para sa mga Manilenyong naghahanap ng trabaho.

Ayon kay Lacuna, isasagawa ang job fair, sa pamamagitan ng kanilang Public Employment Service Office (PESO), na pinamumunuan ni Fernan Bermejo, katuwang ang Department of Labor and Employment - National Capital Region at DOLE-NCR Manila Field Office.

Anang alkalde, ang naturang job fair ay idaraos sa Robinson's Manila, Level 1, Midtown Atrium simula sa Biyernes, Pebrero 23, hanggang Sabado, Pebrero 24, mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi.

Ang job fair ay bukas para sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kaugnay nito, hinikayat ni Lacuna ang mga Manilenyo na samantalahin ang pagkakataon at lumahok na sa job fair, kung saan inaasahang libu-libong trabaho ang naghihintay para sa kanila.

Pinayuhan din niya ang mga interesadong lumahok sa job fair na magsuot ng casual attire, magdala ng sariling ballpens at 10 kopya ng kanilang resume at tumalima sa basic health protocols.

Dapat din aniyang tiyakin ng mga aplikante na busog sila sa pagtungo sa job fair upang masigurong maipapasa ng maayos ang kanilang mga interbyu.