Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na nagsisimula na ang submission of short film entries para sa kanilang 'The Manila Film Festival’ o TMFF 2024.

Kaugnay nito, nanawagan si Lacuna sa lahat ng student filmmakers na nagkaka-edad ng 18-taon pataas na lumahok sa festival.

Ayon kay Lacuna, ito ay bahagi ng programa ng city government, sa pamamagitan ng Department of Tourism, Culture and the Arts (DTCAM) na pinamumunuan ni Charlie Dungo, upang buhayin ang Maynila bilang isang ‘lively at creative hub’ para sa cinema.

Anang alkalde, magkakaroon din ng awarding ng 'Gawad Maynila' film grant para sa promising Filipino independent filmmakers.

National

Castro sa 'National Rally for Peace:' 'Sana lang ay hindi ito pagtatakip'

Ang deadline aniya para sa pagsusumite ng short film entries ay sa Pebrero 29, 2024.

Ang mga interesado namang lumahok dito ay maaaring bumisita sa www.themanilafilmfestival.com para sa buong detalye at mechanics.

Samantala, sinabi ni Dungo na bukas ang festival para sa mga bonafide students mula sa private at state colleges and universities sa buong bansa.

Aniya, ang tema ng TMFF 2024 ay ipagdiwang ang lungsod bilang 'City of Infinite Possibilities and A Thousand Tales.'