Pinag-aaralan ng isang mambabatas na paimbestigahan sa Kamara ang pagtapyas ng pamahalaan sa badyet ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Iginiit ni 4Ps party-list Rep. Jonathan Abalos sa Kapihan sa Manila Bay, dapat ipaliwanag sa mga benepisyaryo ng gobyerno ang dahilan ng pagtapyas sa naturang pondo.

Aniya, marami ang naapektuhan nang bawasan ng ₱13 bilyon ang programa.

Malaking bilang ng mga miyembro ang natanggal sa listahan na nagresulta sa pagkaantala ng pag-aaral ng mga estudyanteng nakatakda na sanang magtapos.

Kaugnay nito, tiniyak ni Abalos sa mga benepisyaryo na kakampi ng mga ito ang Kamara sa nasabing laban.