Itinuro ni showbiz columnist Cristy Fermin ang social media personality na si Xian Gaza at mga vlogger kung bakit siya nalagay sa alanganin matapos bweltahan ng kampo ni Dominic Roque.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Pebrero 21, sinabi ni Cristy na si Xian umano ang tahasang nagbigay ng pangalan kung sino ang politikong benefactor ni Dominic.

“Si Xian Gaza po, isang vlogger, diniretso po niya na si Mayor Bullet Jalosjos talaga ‘yong nagbabahay dito kay Dominic Roque. Sa akin n’yo po ba ‘yon narinig?” saad ni Cristy.

National

Sonny Angara, nanumpa na bilang DepEd secretary

“Ang mga vloggers po na nakisawsaw na nga lang ay kung bakit naglagay pa sa inyong lingkod at sa aming mga programa—itong CFM at ang SNN—sa alanganin. Nangopya, kinrop, nagbuo ng sarili nilang content na ang binabato: ‘ayon kay Cristy Fermin’,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Napakagasgas na po ng swelas ng pangalan ko. Hindi ko po ninanais na ganoon ang mangyayari.”

Matatandaang nitong Martes, Pebrero 20, tuluyang pinalagan ni Dominic ang mga malisyosong pahayag umano ni Cristy kaugnay sa mga isyung ibinabato sa kaniya nito.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, pumalag na sa mga iniisyu sa kaniya ni Cristy Fermin

Pero sa unang bahagi ng programa, mariing itinanggi ng showbiz columnist na hindi niya raw pinangalanan ang politikong benefactor ng aktor.

In fact, nagulat nga raw si Cristy sa biglang “pag-aray” nina Jalosjos at Suntay kaugnay sa nasabing isyu.

MAKI-BALITA: Cristy, ‘di raw kinaladkad ang pangalan nina Jalosjos, Suntay sa hiwalayang Dominic-Bea