Isa na namang mananaya ang nadagdag sa listahan ng mga naging milyonaryo dahil sa pagtaya sa Lotto 6/42.

Ito ay nang ihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules na isang taga-Leyte ang nanalo ng halos ₱11 milyon sa Lotto 6/42 draw nitong Martes ng gabi.

Lotto 6/42 ulit? Taga-Quezon City, panalo ng higit ₱7M!

Nahulaan ng naturang mamanaya ang 6-digit winning combination na 22-17-01-29-11-16.

Sinabi ng PCSO, nabili ng nasabing mananaya ang ticket sa Abuyog, Leyte.

Pinayuhan ng PCSO ang solo winner magtungo na lamang sa main office ng ahensya at magdala na lamang ng dalawang valid identification (ID) card upang makubra ang premyo.

Nasa 20 porsyento ang babawasan ng pamahalaan sa premyo alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.