Patay ang isang foreman nang sumabog ang isang acetylene tank habang siya ay nagwe-welding sa Quiapo, Manila nitong Miyerkules ng umaga.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktimang si Emilio Esplago, foreman ng Alleyway Construction, ngunit binawian din ng buhay bunsod ng tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan dulot ng pagsabog.

Sa initial report ng Barbosa Police Station 14 (PS-14) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-10:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa Estero De Quiapo, na matatagpuan sa Arlegui St., sa Quiapo.

Ayon kay PSSg Jeus Cris Jacalne, kasalukuyan umanong ginagamit ng biktima ang isang welding machine nang bigla na lang sumabog ang acetylene tank.

National

Bam Aquino sa kaarawan ni Ninoy: 'Ipagpatuloy natin ang mga ipinaglaban niya!'

Matinding nasugatan ang biktima na malaunan ay binawian ng buhay habang nagdulot rin ng matinding pinsala sa lugar ang pagsabog.