Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang Universidad de Manila (UDM) ay ginawaran ng LEVEL 2 Accreditation ng Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA).

Binati ng alkalde ang pamunuan ng UDM, sa ilalim ni Pangulong Dr. Felma Carlos-Tria, dahil sa tagumpay na aniya ay naghahatid ng karangalan, hindi lamang sa unibersidad at sa mga estudyante nito, kundi maging sa pamahalaang lungsod.

Sa Presentation at Confirmation ng Accreditation Results and Awarding Ceremonies na ginanap sa UDM Palma Hall, personal na iginawad ni ALCUCOA President at Executive Director Dr. Raymundo P. Arcega ang Certificates of Accreditation kina Tria at Vice Mayor Yul Servo na kumakatawan kay Lacuna, na noon ay kasalukuyan ding naghahatid ng karangalan sa lungsod matapos mapiling magsalita sa Harvard College Project for Asian and International Relations (HPAIR) 2024 Harvard Conference sa Boston.

Ang ALCUCOA ay ang accreditation agency ng local government universities and colleges na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) upang suriin ang educational operations ng mga unibersidad sa lokal na pamahalaan at alamin kung ito ay nag-o-operate ng lampas o pasok sa mga pamantayang itinakda para sa higher education institutions (HEIs).

National

Malacañang, umaasang makakatulong 'National Rally for Peace' sa isyu ng bansa

Binati rin ni Lacuna si Tria, ang buong faculty at staff ng UDM, at tinukoy ang kanilang pagsusumikap at dedikasyon para sa maraming tagumpay ng unibersidad.

Sinabi pa ng alkalde na nakamit ng UDM ang Level 2 sa loob lamang ng dalawang taon at dalawang buwan, kaya hawak nito ang pinakamabilis na rekord dahil ang pag-unlad ng iba pang LUC ay karaniwang tumatagal ng walong taon.

Para sa kanyang bahagi, sinabi ni Tria na ang accreditation ng ALCUCOA Level 2 ay isang patunay sa hindi natitinag na pangako ng UDM sa pagbibigay ng high quality at globally-competitive education. Dahil dito, ang lahat ng mga programa ng UDM ay akreditado na ngayon.

"It serves as a valuable external validation of our academic programs, faculty expertise and student learning outcomes," dagdag pa ni Tria.

Ang UDM ay panglima lamang sa 134 LUCs na may Level 2 institutional accreditation. Nabatid na Level 3 ang pinakamataas na akreditasyon.