Inihayag ni dating senador at boxing icon na si Manny Pacquiao na bagama’t disappointed siya, tanggap at nirerespeto raw niya ang naging desisyon ng International Olympic Committee (IOC) na tanggihan ang kaniyang hiling na sumabak sa Paris Olympics.

Matatandaang inihayag ng Philippine Olympic Committee (POC) nitong Linggo, Pebrero 18, na tinanggihan ng IOC ang kanilang request letter para makasali si Pacquiao sa 2024 Paris Olympics dahil overaged na raw ito.

“While I am very saddened and disappointed, I understand and accept the age limit rules,” saad naman ni Pacquio nitong Lunes, Pebrero 19.

Manny Pacquiao, tinanggihang makasabak sa Paris Olympics

“Nevertheless, I will continue to support and cheer for the Filipino athletes who will represent our country in the Olympics. Make us proud,” dagdag pa niya.

Base sa patakaran ng IOC, 40-anyos ang age limit para sa mga atletang sasali sa Olympics.

Nasa 45-anyos na raw ang boxing icon.

Si Pacquiao ay dating eight-division world professional champion at itinuturing na “Pambansang Kamao” ng Pilipinas.