Pinag-iingat ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa pekeng DepEd scholarship posts na kumakalat ngayon online.

Sa inilabas na abiso nitong Lunes, pinaalalahanan ng DepEd ang publiko na maging vigilante laban sa misinformation.

Ipinaskil rin naman ng DepEd ang kopya ng pekeng posts sa kanilang social media accounts.

Nakasaad sa naturang pekeng paskil na ang DepEd ay may alok na scholarship ngayong taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Anang DepEd, lahat ng estudyante na nag-aaral ay dapat na magpalista sa scholarship, gamit lamang ang kanilang school IDs.

Sakali umanong makakuha ng scholarship, ang mga elementary students ay makakatanggap ng tig-P5,000; tig-P7,000 naman para sa mga high school students at  tig-P10,000 ang mga college at vocational students.

Ang pekeng post ay sinamahan pa ng larawan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na nakasuot ng berdeng t-shirt at ang kanang kamay ay nakataas sa kanyang kaliwang dibdib.

“The Department of Education (DepEd) warns the public about the FAKE DepEd scholarship posts circulating online. DepEd reminds everyone to stay vigilant against misinformation,” advisory naman ng DepEd.

Dagdag pa ng ahensiya, ang mga opisyal nilang anunsiyo at impormasyon ay maaaring makita sa kanilang Facebook page na fb.com/DeparmentOfEducation.PH, X account na twitter.com/DepEd_PH, Instagram account na instagram.com/depedphilippines, at website na www.deped.gov.ph.

Hinikayat rin ng DepEd ang publiko na kaagad na ireport ang anumang nalalaman nilang misleading at suspicious information hinggil sa basic education sa [email protected].