Hinikayat ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Philippine Military Academy (PMA) na makiisa sa Senado sa pagprotekta sa 1987 Konstitusyon ng bansa.

Sinabi ito ni Zubiri sa kaniyang talumpati bilang guest of honor sa PMA Alumni Homecoming nitong Sabado, Pebrero 17.

"I am hopeful that our men and women of the PMA are with us in our stand to protect the Constitution. We may wield different tools and weapons, but we all play a vital role in defending our nation and our people," pahayag ni Zubiri.

Samantala, binanggit din ng senate president ang usapin ng Charter Change (Cha-Cha) na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon.

National

Pinoy sawa na sa politika, disappointed sa serbisyo ng gobyerno!—PBBM

Ayon kay Zubiri, bagama’t hindi raw humaharap ang Senado sa uri ng panganib na katulad sa kinahaharap ng PMA, mayroon din daw paraan ang mga senador para depensahan ang kalayaan ng bansa.

"Make no mistake—while we in the Senate do not face the same dangers that you do out in the field, we also, in our way, uphold the freedoms that you stand for," anang senador.

"We all have a stake in our sovereignty, and we in the Senate are proud to use our power and our platform to stand with our brave men and women in uniform, in defense of our nation," saad pa niya.

Matatandaang kamakailan lamang, naglabas ang Senado ng manifesto na nagpapahayag ng pagtutol sa People’s Initiative (PI) para sa Cha-Cha.

Nakalagda sa naturang manifesto ang lahat ng 24 na mga senador sa bansa.

MAKI-BALITA: Senado, tutol sa PI campaign: ‘The Senate will not allow itself to be silenced’

Bukod dito, matatandaang ilang mga senador ang tahasang nagsabi na naniniwala silang si House Speaker Romualdez ang nasa likod ng PI.

MAKI-BALITA: Bato, iginiit na si Romualdez nasa likod ng PI campaign; House speaker, umalma!

MAKI-BALITA: ‘Huli sa bibig?’ Escudero, may ‘resibo’ na si Romualdez nasa likod ng PI

MAKI-BALITA: Imee, ipinagdiinang si Romualdez umano ang nasa likod ng PI campaign

Iginiit naman ni Romualdez na hindi totoo ang naturang mga akusasyon.

MAKI-BALITA: Romualdez sa akusasyon ni Imee: ‘Nagma-marites siguro siya’

Sinusuportahan ni Romualdez at ng ilang mga mambabatas ang PI para sa Cha-cha upang amyendahan umano ang “restrictive economic provisions” ng 1987 Konstitusyon.