Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City simula sa Lunes, Pebrero 19.

Idinahilan ng Maynilad Water Services, Inc. ang regular maintenance activities upang para mapanatiling maayos ang distribution system sa 17 lungsod at bayan sa West Zone ng Metro Manila.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Dakong 10:00 ng gabi ng Lunes, hanggang 6:00 ng umaga ng Martes ay mapuputol ang suplay ng tubig sa Barangay NS Amoranto, Maharlika at Paang Bundok.

Sa Pebrero 20 ng gabi hanggang umaga ng Pebrero 21, mawawalan naman ng suplay ng tubig ang Brgy. Capri.

Maapektuhan din nito ang Brgy. Balong Bato at Baesa sa Pebrero 22.

Mapuputol din ang suplay ng tubig sa Brgy. Nova Proper at Nagkaisang Nayon sa Pebrero 22 at Pebrero 24 naman sa Brgy. Maharlika at NS Amoranto.

Panawagan pa ng water concessionaire, mag-imbak na muna ng tubig bago pa sumapit ang maintenance activities.