Nakiramay ang United Arab Emirates (UAE) sa Pilipinas dahil sa naganap na landslide sa Maco, Davao de Oro kamakailan na ikinasawi ng halos 100 katao.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Bukod dito, hangad din ng Ministry of Foreign Affairs (MoFA) na makarekober kaagad ang mga nasugatan sa kalamidad na tumama sa Masara, Maco nitong Pebrero 6, dakong 7:50 ng gabi.

Nauna nang inamin ng Apex Mining, Co. Inc. na naganap ang pagguho ng lupa sa kanilang tenement na labas naman ng active mining site ng kumpanya.

Sinabi naman ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na idineklara na nilang "no-build zone" ang nasabing critical area kasunod na rin ng naganap na landslide noong 2008 na ikinasawi ng 24 katao.

Sa datos ng Maco municipal government, nasa 98 na ang naitalang nasawi sa kalamidad.

PNA