Nagbigay ng komento ang aktor na si Jericho Rosales sa latest Instagram post ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa naturang post kasi ni Kathryn nitong Sabado, Pebrero 17, nagbahagi siya ng mga life update.

β€œLet’s start with day 1, shall we? πŸ‘€β€ saad ni Kathryn.

β€œPic 1: First time to travel alone! Pic 2: Look who picked me up from the airport. I missed you, dsnts!! πŸ˜‹ β€œ

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

β€œPic 3: Where most of the catching-up happened πŸ›‹οΈ Pic 4: Worked out the next day (as promised @lulumromero),” aniya.

Dagdag pa niya: β€œPic 5: Bought some β€œhealthy” snacks from the grocery (who are we?!). Pic 6: No electricity for almost an entire day..πŸ˜‚ that was so random.”

Kaya sey ni Jericho: β€œYou go girl. Proudaya πŸ«‘β€

Matatandaang noong nakaraang buwan ay inintriga ng mga netizen sina Jericho at Kathryn matapos silang maispatang nagja-jogging sa iisang area.

MAKI-BALITA: Iniintriga! Kathryn at Jericho nagja-jogging sa iisang area, magkasama ba?

Samanta, sa eksklusibong ulat ng ABS-CBN News noong Pebrero 2, ibinahagi ni Kathryn ang kuwento sa likod ng nasabing viral pictures.Β 

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, nagsalita tungkol sa viral pictures nila ni Jericho Rosales