Naging matapat ang pagsagot ng mga beauty queen na sina Ariella Arida at Janine Tugonon kaugnay sa mga nagbabagong panuntunan sa Miss Universe.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, tinanong ni Boy ang dalawa tungkol sa bagay na ito.

“I’m gonna be honest, with age limit, when I first heard it, I was a little bit like, ‘Really? No age limit? Would it be fair?’ I’m more thinking of like the fairness for the girls.” saad ni Janine.

“‘Cause it feels different, especially [since] I’ve been in the modeling world as well, it feels different when you’re older than the rest or when you’re younger than the rest,” aniya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Dagdag pa ni Janine: “For me, I was like, I hope there would be some standards pa din in terms of the age but I’ll support either way.”

Para naman kay Ariella: “As long as may limit pa rin kasi–I’m just sharing my story kasi–during our time, kung walang age limit, Tito Boy, I wouldn’t push myself to join the pageant kasi I would think that’s my last year to join so parang napilitan din ako in a way to really reach that goal of mine,”

Pero sa kabila ng mga pagbabagong ito, bukas naman daw ang dalawa sa mga posibilidad na pwede pang mangyari sa pageant world. In fact, suportado nila pareho ang partisipasyon ng transgender sa ganitong kompetisyon.

“Parang buhay lang din natin ngayon. Parang everything going to technology and all that we have to adapt,” lahad ni Ariella

Dugtong pa niya: “And so, at one point or another, know the organization wants to be more inclusive, so parang dun talaga ‘yung path niya.”

Matatandaang itinanghal si Janine bilang 1st runner up sa ginanap na Miss Universe noong 2012 samantalang si Ariella naman ay naging 3rd runner up noong sumunod na taon.