Nasa 96 na ang nasawi sa malawakang landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro kamakailan.

Ito ang isinapubliko ng Maco Municipal government nitong Sabado at sinabing 18 pang residente ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Nitong Huwebes, nagtipun-tipon ang iba't ibang grupo at Indigenous People’s organization sa "ground zero" kung saan naganap ang pagguho ng lupa, upang mag-alay ng panalangin para sa mga nawawalang residente.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kaugnay nito, kumilos na ang Davao de Oro Provincial Veterinary Office (PVO) upang sagipin ang mga alagang hayop na naapektuhan ng kalamidad.

Nasa 23 na aso at 27 na pusa ang nailigtas ng PVO.

Sinabi naman ni Dr. Headyn Cenabre, assistant department head ng PVO, kaagad nilang binigyan ng pagkain at iba pang healthcare service ang mga nasagip na hayop na pansamantalang nasa impounding area ng Mawab.

“We continue our animal rescue because we have not yet covered the entire area and we have seen many stray dogs. Some of them are hungry and scared,” dagdag pa ni Cenabre.

 

PNA