Kinaaliwan kamakailan ang TikTok video ng isang Pinoy netizen matapos niyang i-flex ang "problemang" naengkuwentro niya habang nasa loob ng isang pampasaherong jeepney.

Isang dayuhan kasi ang sumakay sa jeep, at nang ipapasuyo na niya ang bayad, napaisip siya kung paano sasabihin ditong i-abot niya sa manong driver ang ibabayad niyang pamasahe.

Sa Pilipinas, kultura na sa pagsakay sa pampasaherong jeep na ipaabot sa mga kapwa pasahero ang pamasahe hanggang sa makarating sa tsuper; ganoon din sa pag-aabot pabalik ng sukli.

Kaya tanong ni "Steffy," paano ba sasabihin sa English ang "bayad po?"

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento sa netizens.

"Kung ako sayo bumaba ka na dyan tapos lipat ka ibang jeep."

"Just say 'bayad' look in her eyes and tell her 'pls pass it on to the driver' and then say thank you."

"Can you please give this to the driver and tell him it's my [fare]."

"Can you give it to the driver please... thank you..."

"Kindly hand over my fare to the driver. Thank you."

"Thank you, next!"

"Moving forward!"

"Please pass your papers forward..."

Ikaw, paano mo nga ba sasabihin ito in English?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!