May bibe ka na ba?

Bibe as in duck ha, kasi (hindi bebe na jowa!) usong-uso ngayon ang pagsusuot ng duck clip: magmula sa gen Z hanggang sa pati na yata sa boomers, may makikita tayong naglalakad sa mga pampublikong lugar na may nakapatong na kulay dilaw na bibe, iba-iba pa ang sizes.

Ang pagsusuot ng "duck clip" ay maaaring kinagigiliwan sa kasalukuyan dahil ito ay isang simple, cute, ngunit trendy na paraan ng pag-aayos ng buhok. Ang duck clip ay isang uri ng hair accessory na maaaring gamitin upang mag-ayos ng buhok sa iba't ibang estilo, tulad ng pag-angat ng buhok sa ibabaw ng ulo, paggawa ng bun, o pag-secure ng bahagi ng buhok. O para sa iba, ordinaryong pagsunod lang sa uso at para cute at pa-cute tingnan.

Pero alam mo bang bago sumikat ang paglalagay ng duck clip sa ituktok ng ulo, nauna munang sumikat noong 90s ang paglalagay ng "butterfly clip?"

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Ang "butterfly clip" na pinauso noon ni Pop Culture Idol at momshie host ngayon na si Jolina Magdangal ay isang hair accessory na tinatawag ding "wing clip." Nakakatuwa ito dahil kapag naglakad na ang sinumang batang babae o beks, gumagalaw-galaw at lumilipad-lipad ang pakpak ng paruparo.

Bukod sa butterfly clip, pinasikat din ni Jolens ang paglalagay ng bangs at pagsusuot ng makukulay na damit at accessories. Kaya nga ang taguri sa kaniya noon, siya ay "walking Christmas tree" dahil kung ano-anong palamuti at kulay ang makikita sa kaniyang outfit at style.

Kaya itong pagsusuot ng duck clip, bahagi lang iyan ng kulturang popular o kung ano ang nauuso ngayon. Aprub pa nga sa Department of Education (DepEd) ang pagsusuot nito, mapa-guro man o estudyante.

MAKI-BALITA: Mga guro at estudyante, pwedeng magsuot ng duck hair clips–DepEd