Dinampot ng National Bureau of Investigation-Environmental Crimes Division (NBI-EnCD) ang anim na umano'y sangkot sa illegal quarrying at mining operations sa Hermosa, Bataan.

Kabilang sa mga inaresto ay sina Domingo Leal, Saldy Adelantar, Rio Bueno, Mark Anthony Santos, Arjay Mamalateo at Christopher Alba.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Sa report ng NBI, nakatanggap ng impormasyon ang ahensya dahil sa talamak na illegal mining at quarrying activities sa Barangay Maambog, Hermosa.

Binanggit ng NBI na walang kaukulang permit ang operasyon mula sa Provincial Mining Regulatory Board ng Bataan at Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Mines and Geosciences Bureau sa Region 3.

Nasamsam sa operasyon ang truck at backhoe na ginagamit sa illegal quarrying operation.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang anim na naaresto.