Patuloy na mararanasan ng bansa ang epekto ng northeast monsoon o amihan at easterlies ngayong Sabado, Pebrero 17, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdadala ang malamig na hanging amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Wala namang inaasahang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Samantala, inihayag din ng PAGASA na maaaring makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, at localized thunderstorms.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Posible ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalakuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).