Ibinahagi ng aktres na si Liza Soberano ang tila pagpaparamdam sa kaniya ng namayapang aktor na si AJ Perez.

Sa isang bahagi kasi ng “One Down” nitong Sabado, Pebrero 17, naungkat ng host na si Tessa Albea ang tungkol sa dahilan kung bakit gumawa ng Twitter account si Liza..

"You started your Twitter as a fan girl. Can you talk a little bit about that?" usisa ni Tessa

“Yes. I was a huge fan of AJ Perez 'cause I have watched him in this one teleserye called 'Sabel.' And it was very unfortunate that he passed away and that was the reason why I created my Twitter because I wanted to have like some sort of memory of him so I followed him,” kuwento ni Liza.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

“It was strange because I started receiving messages from him after he had passed away. And at first I was scared of like checking it, because I was like 'what's going on?'” aniya.

Dagdag pa niya: “And then eventually, I came to it and then I checked the message. It was messages from his family but it was always very scary when I would receive notifications from AJ Perez. But, yeah, I became friends with his younger brother, Gelo, and his family. Eventually, I was introduced to them."

Ikinuwento rin ni Liza na noong araw na namatay umano si AJ ay ang araw din na unang beses siyang sasabak sa audition para mag-artista. Ayon sa kaniya, sobra daw siyang nalungkot nang mabalitaan ang tungkol sa pagkamatay ng aktor.

"I really wish that I could have had the chance to work with him,” saad niya.

Matatandaang pumanaw si AJ noong April 17, 2011 sa edad na 18 dahil sa vehicular accident.