Dalawa ang nasawi at tatlo ang naosopital dahil sa naiulat na gas poisoning sa gitna ng umano'y treasure hunting activity sa Siaton, Negros Oriental kamakailan.

Sa ulat ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) nitong Sabado, bukod sa dalawang binawian ng buhay, tatlo rin ang isinugod sa ospital dahil sa nakakasulasok na amoy.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang insidente ay nangyari sa isang kuweba sa Sitio Binukgayan, Barangay Apoloy nitong Huwebes ng hapon.

Naiulat na ang mga biktima ay bahagi ng grupong binubuo ng 15 miyembro na nagtangkang pumasok sa kuweba 25 kilometro mula sa national highway, ayon kay NOPPO Spokesperson, Lt. Stephen Polinar.

May teorya ang pulisya na ilegal ang paghahanap ng kayamanan ng grupo dahil na rin sa nasamsam na equipment sa lugar.

Papasok na sana ang grupo sa kuweba at tinatanggal na lamang ang tubig sa bukana nito, gamit ang isang water pump nang biglang lumabas ang kulay abong usok sa isang butas kasabay na rin ng paglabo ng tubig.

Dalawang miyembro ng grupo ang hinimatay at agad namang isinugod sa Congressman Lamberto Macias District Hospital kung saan sila binawian ng buhay.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang insidente.

PNA