Nilinaw ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) nitong Biyernes na maaari ring magsuot ng nauusong duck hair clips ang mga guro at estudyante sa pagpasok sa paaralan.

Nabatid na nagmula ang hair clip trend sa China noong 2015 ngunit sa halip na bibe ay halaman ang naka-adorno dito.

Sa Pilipinas, una umanong sumikat ang duck hair clip sa Baguio City kamakailan lamang at mabilis nang nauso sa iba pang panig ng bansa.

Nito lamang katatapos na Chinese New Year, karamihan sa mga taong nakiisa sa okasyon sa China Town sa Maynila ay nakasuot ng duck hair clip.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ayon naman kay DepEd deputy spokesman Francis Bringas, wala siyang nakikitang problema kung naisin man ng mga guro at mga estudyante na makisunod sa uso.

Maging siya nga aniya ay bumili rin ng sarili niyang duck hair clip sa Binondo kamakailan.

Paliwanag ni Bringas, ito ay isang libangan at hair accessory lamang, na maihahalintulad sa ribbon o headband.

Sa kanyang palagay naman aniya ay hindi ito makakaapekto sa klase kung magsusuot man nito ang mga guro at mga mag-aaral.

"It's just a fad. It’s a hair accessory, siguro it won’t hurt the class kung meron extra accessory sa ulo. I don’t think it will bothersome for many," aniya pa, sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

Dagdag pa niya, "The teacher is the bigger motivator in the classroom...If he or she finds it really appropriate to get the learners to pay attention, so be it."