Nagsalita na ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda kaugnay kumalat niyang video clip kung saan makikita ang tila “brilyante ng tubig” na nakatago raw sa kaniyang pants

Sa isang episode kasi ng Showbiz Updates noong Miyerkules, Pebrero 14, ay inusisa siya ni showbiz insider Ogie Diaz tungkol dito.

“Ganito po kasi ‘yong nangyari no’ng time na ‘yon. Pumunta kami sa Antique. ‘Yong suit po na sinukat ko na dala-dala ko, okay pa siya. Kaya lang po bago ko siya dalhin sa mismong event, nilabhan ko muna siya,” kuwento ni Kelvin.

“So, no’ng pagkalaba ko po sumikip ‘yong pantalon. Medyo sumikip ‘yong banda sa may pundiya. ‘Yon po ‘yong nangyari. ‘Di po ako aware na gano’n ‘yong kinalabasan,” aniya.

Faith Da Silva, Kelvin Miranda, Angel Guardian ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante!

Dagdag pa ng aktor, nasita raw siya ng management dahil sa ganoong anggulo. Pero gaya nga ng sinabi niya kanina, hindi raw siya malay na gano’n ang kalalabasan ng suot niyang pants. Ibig sabihin, hindi niya sinasadya.

“Tapos parang lahat pa po ‘ata ng anggulo, lahat ng camera, nasa ilalim. Nasa ibaba. So, no’ng nag-topless po ako, nagtanggal po ako ng coat, ang natira is ‘yong vest…naka-shooting up po kasi [‘yong camera],” saad pa niya.

Matatandaang kinawindangan at pinagkaguluhan ng mga netizen ang nasabing video na kuha noong dumalo siya bilang guest sa pageant na ginanap sa San Jose, Antique.

MAKI-BALITA: ‘Brilyante ng tubig’ ni Kelvin na nakatago raw sa pants niya, dinumog

Mapapanood si Kelvin sa “Sang’gre: Encantadia Chronicles," ang upcoming sequel ng fantasy-magical series ng GMA Network na “Encantadia."

Gagampanan niya si “Adamus,” anak ni Sang’gre Alena, ang siyang magiging bagong tagapangalaga ng brilyante ng tubig.