Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Biyernes, Pebrero 16, dahil sa northeast monsoon o amihan at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Eastern Visayas at Caraga bunsod ng easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Pinag-iingat ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa posible raw pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Malaki naman ang tsansang magdadala ang malamig na hanging amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Wala namang inaasahang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

Samantala, inihayag din ng PAGASA na maaaring makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Posible ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalakuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).