Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na umaabot na sa siyam na katao ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa influenza-like illnesses (ILI) ngayong 2024.

Sa datos na inilabas ng DOH, nabatid na simula Enero 1 hanggang Pebrero 3 lamang ay nakapagtala sila ng kabuuang 16,155 ILI cases.

Ayon sa DOH, ito ay 19% na mas mababa kumpara sa 19,935 kaso na naitala nila sa kahalintulad na panahon noong 2023.

Ani Health Undersecretary Eric Tayag, ang mga naitalang ILIs ay maaaring influenza type A o type B, o di kaya ay COVID-19.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi naman ng DOH na sa ngayon ay nakikitaan na nila ng downward trend o pagbaba ng mga kaso ang ILIs at COVID-19 cases.

Inaasahan rin umano nilang pagsapit ng Marso ay magkakaroon na ng pag-plateau ang kaso ang kaso ng mga ito.

Sa kabila naman nito, tiniyak ng DOH na masusi pa rin nilang minu-monitor ang mga naturang karamdaman.