Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng hapon, Pebrero 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:05 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 232 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 148 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.