Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko tungkol sa isang pekeng Facebook page.

"Paalala sa publiko. Nag-iisa lamang ang official public Facebook page ng Commission on Elections," anang Comelec.

Pinabulaanan din nito na hindi konektado sa kanila ang page na may ngalang Malayanghalalan Twentytwentyfive.

"Ang Facebook account na nagngangalang Malayanghalalan Twentytwentyfive ay HINDI PAGMAMAY-ARI at HINDI KONEKTADO sa COMELEC. Manatili po tayong maingat at huwag paniwalaan ang mga fake news na manggagaling sa account na ito," dagdag pa nila.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

"Para siguradong tama at wasto ang impormasyon tungkol sa halalan, hanapin ang Verified Badge ng Meta sa tabi ng pangalan ng COMELEC o bisitahin lamang ang link na ito: https://www.facebook.com/comelec.ph?mibextid=ZbWKwL"