Isa na namang babaeng rebelde ang napatay matapos makasagupa ng grupo nito ang mga sundalo sa Lianga, Surigao del Sur kamakailan.

Nakilala lamang ang napatay sa alyas "Sunshine" na kaanib ng NPA Regional Sentro De Gravidad (SRDG), Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Sa report ng militar, nakasagupa ng 4th Infantry Division (4ID) ang grupo ng mga rebelde na natiktikan sa Barangay Baucawe, Lianga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bukod sa inabandonang bangkay ng nasabing rebelde, nasamsam din sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M60 machine gun, mga bala, at personal na kagamitan ng mga ito.