Sapat pa rin ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.

Ito ang naging ulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Water Resources Board (NWRB) sa Task Force El Niño (TFEN) sa idinaos na pagpupulong kamakailan.

Ipinaliwanag nina DENR Undersecretary Carlos Primo David at NWRB Executive Director Ricky Azardon, tugon lamang nila ito sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tiyakin ang seguridad sa tubig dahil sa nararanasang epekto ng El Niño sa bansa.

Ipinaliwanag nina David at Azardon kay TFEN chief, Defense Secretary Gilbert Teodoro, patuloy na nakikipagtulungan ang mga water concessionaire sa pamahalaan upang masubaybayan ang mga tagas ng tubig at pagsasayang nito sa Metro Manila at mapagtuunan na rin ito ng pansin.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Sa report naman ng dalawang ahensya ng pamahalaan, ang water level ng Angat Dam ay nasa 208.61 metro, malayo pa sa critical level na 180 metro.

“We are also continuously assessing and monitoring the current state of the Angat Dam, while considering the possible forecasted dry conditions in the succeeding months attributed to the El Niño phenomenon,” pagbibigay-diin naman ni David.

"It is crucial for residents, businesses, and institutions to remain vigilant and actively participate in efforts to conserve water resources. Implementing water-saving practices such as rainwater harvesting, reducing consumption, fixing leaks promptly, and optimizing irrigation systems can significantly contribute to mitigating the impacts of the El Niño,” pahabol pa ni David.

PNA