Nahaharap na ngayon sa patung-patong na kasong kriminal ang limang opisyal at accountant ng dalawang umano'y ghost corporations dahil sa pagbebenta ng pekeng resibo at sales invoices.

Labing-apat na kasong kriminal ang isinampa ng BIR sa Quezon City Regional Trial Court at Metropolitan Trial Court laban sa Decarich Supertrade, Inc. at Redington Corporation dahil sa nasabing paglabag.

“Unang bahagi pa lang ito at tuloy-tuloy ang magiging pagsampa ng kaso,"paliwanag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. sa isang ambush interview.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Noong 2023, nagsampa ng kaso ang BIR laban sa ilang kumpanya na nagbebenta ng mga pekeng resibo, kabilang na ang dalawang ghost corporation.

Sa preliminary investigations ng Department of Justice (DOJ), nakitaan ng probable cause ang reklamo laban sa mga naturang kumpanya dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC) o Tax Code.

Kaugnay nito, nagbanta muli si Lumagui na hindi ito magdadalawang-isip na maghain pa ng kaso laban sa malalaking kumpanya o sindikato na nagbebenta, bumibili o gumagamit ng ghost receipts.

PNA