Nalungkot ang ilang fans sa premiere night ng “I Am Not Big Bird” para kay Kapamilya actor Enrique Gil.

Ayon kasi sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Pebrero 13, bigo raw na nakarating sa special screening si Liza Soberano bagama’t isa raw big success ang nasabing premiere night.

May event daw kasing kailangang daluhan si Liza kaya hindi nakarating sabi ni Enrique. Gayunpaman, umasa pa rin daw ang aktor.

Nang usisain naman siya ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe kung anong naramdaman matapos hindi sumipot ang kaniyang jowa, tila walang problema ang naturang bagay para kay Enriqe.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

“I know, I know. It’s fine. I’m going to have another screening with her. She’s just really busy,” sagot niya.

Hindi naman naiwasan ng mga netizen na magbahagi ng kani-kanilang reaksiyon hinggil dito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“si enrique nalang talaga yung kumakapit 🙁 head over heels talaga si enrique kai liza”

“feel ko matagal na silang hiwalay Kaso ayaw lang aminin kasi gusto nila tahimik lang sa media 😅”

“Parang si Enrique na lang yata Ang kumakapit sa relasyon nila. Poor guy. Yung tipong nakapag move on na si Liza at may Sariling Mundo na.”

“Break na kasi sila. 😂”

“Hnd na sya Special 🤣”

“Kawawa naman to si Quen, yung di pa daw sila break pero si liza nag move on na🙃”

“Dapt kinancel nlng ni Liza ung event nya para kai Quen.1% nlng maniniwala nko kai OD😂”

Matatandaang noong Enero ay patuloy na nanindigan si showbiz insider Ogie Diaz na wala na raw talagang relasyon ang dalawa.

MAKI-BALITA: Enrique Gil, umaasa pa rin kay Liza Soberano

Pero noong Pebrero 2 ay muling nagsalita si Enrique kaugnay sa “breakup issue” nila ni Liza.

MAKI-BALITA: Enrique Gil, muling nagsalita sa ‘break up issue’ nila ni Liza