Dinampot ng pulisya ang isang babaeng online seller ng mga pekeng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) card sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City kamakailan.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Article 172 (Falsification of Public Documents) ng Revised Penal Code si Maria Trinidad de Castro, 42, taga-Proj. 4, Quezon City.

Sa ulat ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), inaresto si De Castro sa 21st Ave., Brgy. Tagumpay, P. Tuazon Blvd. Quezon City.

Inaresto ang suspek sa batay na rin sa reklamo ni Philhealth special investigator II Michael Ani kaugnay ng pagbebenta nito ng mga PhilHealth ID cards.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nakumpiska ang limang piraso ng pekeng PhilHealth card, boodle money, at isang cellphone.

Under custody na ng pulisya ang suspek, ayon pa sa report PNP-ACG.