Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalatayang Katoliko na makiisa sa pagsisimula ng 40 araw na paghahanda sa Paschal Triduum ng simbahan, o pagsisimula ng Kuwaresma.

Ito ang mensahe ng Obispo para sa Miércoles de Ceniza o Ash Wednesday na kasabay nang pagdiriwang ng Valentine’s Day o Araw ng mga Puso.

Ayon kay Uy, magandang pagkakataon ang dalawang pagdiriwang sapagkat sasariwain ang diwa ng pag-ibig sa kapwa at sa Panginoon.

Ipinagdarasal din ng Obispo na gunitain ito ng mga mananampalataya na puno ng kabanalan sa halip na marangyang gawain dahil hudyat ito ng pagsisimula ng kuwaresma.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"This year’s Valentine’s Day coincides with Ash Wednesday. We highly encourage our Catholic brothers and sisters to honor the sanctity of this day by attending mass, offering sacrifices (fast and abstain), and by not engaging in noisy and festive activities," bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Una nang binigyang-diin ng Pope Francis  na ang kuwaresma ay panahon ng paglalakbay tungo sa pagpapanibago at pagbabalik loob sa Panginoon, pagpapasigla sa pananampalataya, pagbibigay pag-asa at patuloy na pagpamalas ng pag-ibig sa kapwa.

Paalala pa ng santo papa na ang karanasan ni Hesus na nagpakasakit at namatay sa krus upang tubusin ang sangkatauhan ay isang tanda ng dakilang pag-ibig na nararapat palaganapin sa pamayanan.