Nanawagan ang isang Obispo ng Simbahang Katolika na ipanalangin ang mga biktima ng gumuhong bahagi ng simbahan sa San Jose Del Monte City, Bulacan nitong Miyerkules, Pebrero 14.

Sinabi rin ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na nakikipagtulungan na ngayon ang kanilang diocese at St. Peter Apostle Parish Church sa Tungkong Mangga village upang matulungan ang mga biktima.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“We pray for the eternal repose of the faithful departed and we offer our sincere condolences and assurance of assistance to the family,” ani Villarojo.

“Meanwhile, the parish priest is doing whatever is good and coordinating with the authorities to assist the persons who have been affected by this incident," aniya.

Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, isang 80-taong gulang na miyembro ng choir ang namatay habang 50 ang nasugatan sa insidenteng naganap dakong alas-7:00 ng umaga kasabay nang pagdaraos ng Ash Wednesday Mass, na hudyat nang pagsisimula ng 40-araw ng Kuwaresma.

Lumilitaw sa imbestigasyon na gumuho ang isang bahagi ng ikalawang palapag ng simbahan, na gawa sa kahoy.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni Villarojo ang lahat ng parish priest na i-check ang mga istruktura ng kanilang parokya dahil sa dami ng mga taong nagsisimba tuwing Semana Santa.