Tila praktikal ang payo ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte para sa mga Pinoy ngayong Valentine’s Day.

Sa isang Tiktok video na ipinaskil ni Duterte, na kasalukuyang nasa Malaysia bilang bahagi ng kanyang tungkulin bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO), pinaalalahanan pa niya ang mga Pinoy na mas mahalaga ang bigas kaysa pag-ibig.

“Roses are red, violets are nice, but nothing compares to the way you spice up my rice!” caption pa ng naturang video.

“Para sa akin, mas importante ang bigas kesa sa pag-ibig kasi kung meron kang pag-ibig pero wala namang pambili ng bigas, para kang kumain ng kare-kare na walang kanin,” mensahe naman ng bise presidente sa wikang Bisaya. “Ganyan ang Valentine’s Day—bigas bago pag-ibig.”

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Sa isang ambush interview, winarningan din naman ni VP Sara ang mga taong may sinisinta, na maging handa dahil laging nandiyan ang posibilidad na masaktan o mabigo sa pag-ibig. “Kaya crush ang tawag sa tao na gusto mo dahil he will crush your heart and break your heart. Kaya ‘wag mo na lang lapitan.”