Kinaaliwan ng mga netizen ang Valentine's Day greeting ng Commission on Human Rights (CHR) na makikita sa kanilang Facebook page.

Imbes na bonggang art card ang ipinost nila, makikitang ang pagbati ay ginawa lamang sa isang Word document.

Sey nila, may date daw ang graphic artist nila kaya pagbigyan na lang at babawi na lang sa susunod.

"Happy Valentine’s Day mga bhie! Sensya na sa pubmat, bawi na lang kami next time hehe xD," sey nila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Patok naman sa mga netizen ang paalala nila.

"Basta ha, pag ang jowa di marunong magpahalaga sa human rights, matik 🚩🚩🚩."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Hahahaha havey!"

"HAHAHAHA THE HUMOR 😭😭😭.. WE LOVE IT."

"Why waste millions of public funds on graphic design when you can make a statement as strong as this? A satiric, yet humorous and humanized material. Humanized in a sense that their graphic artist too enjoys socialization and companionship; rights that are inherent, inalienable, and universal. Pure genius. Kudos, CHR."

"Ang witty hahaha. Karapatan niya makipag-date kung sinuman siya!"

"Whoever came up with this idea is truly an asset to your team. Every now and then, we need something like this to brighten our day. Great work, CHR. Napatawa nyo ako. Haha! Ingatzz pohhzz!"

Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 22k reactions, 7k reactions at 288 comments ang nabanggit na viral FB post.