Inilunsad na ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent arm management ng GMA Network ang kanilang "Sparkle 10," ang sampung Sparkle/GMA artists na tinawag nilang "The powerhouse group of women."

"Sparkle continues to welcome the year 2024 with a bang!," mababasa sa caption ng Facebook post ng Sparkle.

"Introducing the SPARKLE 10 ✨ The powerhouse group of women includes Faith Da Silva, Rabiya Mateo, Ashley Ortega, Lianne Valentin, Shuvee Etrata, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Liezel Lopez, Kate Valdez, and Elle Villanueva. All of whom are breaking down barriers with their charisma, beauty, and brains! 💗."

"Check out their billboard at GMA Timog-EDSA."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umani naman ito ng mga papuri mula sa Kapuso fans.

"Wow ang gaganda!"

"Nice photoshoot!"

"Vavavoom!!!"

"Ay grabehan naman po, umuulan ng mga magaganda."

"Walang itulak kabigin. Kudos, GMA and Sparkle!"

Samantala, kung may mga pumuri, hindi naman maiwasan ang mga netizen na pumintas dito.

May mga nagsabing akala raw nila ay pelikula sa Vivamax, ang app ng Viva kung saan mapapanood ang maraming adult-themed at sexy movies nila.

May mga humirit pang sana raw ay nilagyan ng pangalan ang bawat isa para ma-recognize. Makikita ang mga pintas na ito sa comment section ng Facebook page na "CinemaBravo."

"Name tag please..."

"Ay akala ko Vivamax"

"May pantapat na sa vivamax girls"

"Pang- Vivamax Philippines na Sparkle GMA Artist Center"

"Bat parang Vivamax?"

"Mga da who GIRLS!!!!"

"Si rabiya lng kilala ko. Juicecolored. Sa GMA talaga maraming artista na di kilala."

Samantala, isang netizen naman ang nag-initiate na lagyan ng name tag ang 10 Sparkle artists na makikita sa larawan.

Photo courtesy: Screenshot from CinemaBravo (FB)