Pinaigting pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang kampanya laban sa terorismo at insurhensiya sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., patuloy ang kanilang isinasagawang mga programa at information dissemination kontra sa masamang idudulot ng terorismo at insurhensiya sa bansa.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bukod dito, pinalakas pa nila ang police barangay program upang mailapit sa mga komunidad ang mga pulis, at upang agarang makatugon sa anumang sumbong.

Tiniyak din ng opisyal na magpapakalat sila ng information communication education materials upang magkaroon ng kamalayan ang mamamayan sa bawat komunidad.