Bumuhos ang emosyon ng isang Overseas Filipino Worker o OFW na nagtatrabaho sa Malaysia, sa ginawa para sa kaniya ng nanay niya na nasa Pilipinas naman.
Ayon sa TikTok video ni Resty Macalisang, napaiyak siya sa ginawa para sa kaniya ng inang si Evelyn Macalisang, dahil hindi raw ito marunong mag-screenshot sa cellphone. May dumating daw kasing isang mahalagang dokumento na kailangang ipadala sa kaniya sa social media.
Dahil hindi marunong mag-screenshot ng email, nag-print na lamang ang nanay niya ng kopya nito, pinicturan, at saka ipinadala sa kaniya.
Napaluha naman si Resty dahil sa simpleng gesture ng kaniyang ina, na gagawin ang lahat para sa kaniya.
Pero sa mas malalim na dahilan, nakaramdam ng pagka-miss si Resty sa kaniyang inang may edad na rin.
Mas na-appreciate daw ngayon ni Resty ang kaniyang ina lalo na ngayong malayo sila sa isa't isa, at siya ay nasa ibang bansa para magbanat ng buto bilang isang nurse.
Tanging OFW lamang daw ang makakaunawa sa mga ganitong moments, aniya.
"OFW moments: I miss my mama," saad niya sa caption ng TikTok video.
Sa text caption naman, "My mom doesn't know how to screenshot. So she did this!"
"She had to print the whole thing and send it to me."
"Hindi ko kinaya. I bursted to tears. My mama will do anything for me. I miss my mama so much. LORD, please bless my MAMA everyday."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"it's always the efforts of our non techy moms"
"mothers are amazing angels in our lives."
"A proof that mother will do everything for her children no matter how hard it is even the things she didn't know about đ"
"If thereâs one thing that I would ask God, please let my parents live a long life. I want to be with them forever, baka hindi ko kayanin kapag isa++."
Pumalo na sa 2.8M views ang kaniyang TikTok video.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o âdi kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!