Napag-uusapan lately ang tungkol sa "engagement ring" dahil sa mga ingay na tsikang dulot nito.
Ang una, matapos mag-viral ang isang netizen na tila nagdadalawang-isip nang magpakasal sa jowa niya, dahil natuklasan niyang ₱299 lang ang presyo ng engagement ring na ibinigay nito sa kaniya sa wedding proposal.
MAKI-BALITA: Bebot dismayado sa jowa dahil sa ₱299 na engagement ring; inulan ng reaksiyon
Pangalawa, ang nasayang na engagement ring ni Dominic Roque para kay Bea Alonzo, matapos maghiwalay ng dalawa.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, isinauli ang engagement ring kay Dominic Roque
Pero alam mo bang sa bansang Taiwan, kakaiba naman ang kuwento ng engaged couple na hindi natuloy ang kasal, hindi dahil sa third party o kabit, kundi dahil sa paniningil ng fiance sa kaniyang fiancee?
Ayon sa ulat ng South China Morning noong Enero 3, 2023, aba'y pagkatapos daw hingian ng kamay, sinisingil na ni lalaki ang kaniyang mapapangasawa sa ipinambili ng engagement ring.
Sa apat na taong pagiging mag-on ng dalawa, nakasanayan na raw nilang maghati sa lahat ng gastusin nila, kahit sa dates.
Sadya raw mahigpit sa pera ang boylet.
Sa proposal daw ng lalaki sa kaniyang jowa, binigyan niya ito ng tumataginting na NT$150k; sa Philippine peso, aabot sa ₱268, 662.10.
Parang naimbyerna naman si ate girl, siyempre nga naman, saan ka ba naman kasi makakakita ng engagement ring na pinaghatian ng couple?
Praktikal ang naging sagot ni guy. Sa pag-aasawa raw kasi, dapat hati lahat. Conjugal kumbaga. At dahil ang engagement ay bahagi nito, kailangan daw hati sila sa pagbili ng singsing.
Dahil nga dismayado na raw ang merlat, hindi na natuloy ang kasalan.
Hindi rin sure kung nagbayad ba siya sa sinisingil sa kaniya ng jowang pakakasalan.
Ikaw, papayag ka bang maki-share sa pambili ng engagement ring?