Dahil nagbabalik na ngayong Pebrero 12, 2024 ang voter registration para sa 2025 elections, alamin ang proseso nito at anu-anong mga dokumento ang kailangang dalhin.

Sa impormasyong inilabas ng Comelec, magsisimula ngayong Pebrero 12 at tatagal hanggang Setyembre 30, 2024 ang voter registration. Magaganap ito mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 AM - 5:00 PM.

Kabilang din ang mga holiday maliban sa Marso 28 hanggang Marso 30, 2024.

Sino nga ba ang maaaring magparehistro?

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

  1. Hindi bababa sa 18 taong gulang sa araw ng National at Local elections.
  2. Residente ng Pilipinas na hindi bababa sa isang (1) taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto, nang hindi bababa sa anim (6) na buwan bago ang National at Local elections.
  3. Hindi diniskwalipika ng batas.

Proseso ng pagpaparehistro

  1. Magpresinta ng valid ID.
  2. I-interviewhin ng registration staff
  3. I-fill out ang application form (CEF-1). Maaari rin itong i-download sa www.comelec.gov.ph.
  4. Iche-check at ive-verify ang na-fill out na application form.
  5. Kukuhanan ng biometrics.
  6. Hintayin ang acknowledgement receipt.

Listahan ng valid IDs

  1. PhilSys National ID card
  2. Postal ID card
  3. PWD ID card
  4. Student's ID card o library card na pirmado ng school authority
  5. Senior Citizen's ID card
  6. LTO Driver's license/Student Permit
  7. NBI clearance
  8. Philippine Passport
  9. SSS/GSIS ID o UMID card
  10. Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID card
  11. Professional Regulatory Commission (PRC) license.
  12. Certificate of Confirmation na inisyu ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa miyembro ng ICCs o IPs
  13. Barangay Identification/Certification na may larawan
  14. Iba pang mga government issued valid IDs.

Paalala: Hindi tatanggapin ang community tax certificate (cedula), PNP clearance, at employee's ID.

Saan puwede magparehistro?

  1. Opisina ng Election Officer sa inyong lugar.
  2. Register Anywhere Program (RAP) sites
  3. Satellite o Mall Registration Sites

Magbaon din ng sariling ballpen para hindi ka mainip kahihintay sa gumagamit ng ballpen sa registration sites, at para maiwasan na rin ang manghiram sa iba.

At syempre, magbaon din ng mahabang pasensya lalo na kung mahaba ang pila.