71 pasahero, na-rescue sa sumadsad na passenger vessel sa N. Samar
Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 71 pasahero ng isang pampasaherong barko na nagkaaberya sa karagatang bahagi ng Capul, Northern Samar nitong Pebrero 11.
Sa pahayag ng PCG, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng nagkaaberyang MV Reina Hosanna sa karagatagang sakop ng Capul nitong Linggo, dakong 9:00 ng gabi.
Patungo na sana sa Allen, Northern Samar ang barko mula sa Matnog, Sorsogon nang biglang huminto ang makina nito.
Kaagad na ipinadala ng Coast Guard ang kanilang search and rescue team sa lugar kung saan at naligtas ang mga pasahero.
Pagkatapos masiraan ng barko, tinangay naman ito ng alon hanggang sa sumadsad.
Bukod sa mga pasahero, sakay din ng barko ang 30 rolling cargoes.
Inaalam pa ng Coast Guard kung nagkaroon ng pagtagas ng langis ang nasabing barko.