Sinariwa ni “FPJ’s Batang Quiapo” star Vandolph Quizon ang kaniyang near death experience matapos maaksidente sa sinasakyang kotse.

Sa latest episode ng vlog ni TV5 news anchor/journalist Julius Babao nitong Biyernes, Pebrero 10, tinanong niya si Vandolph tungkol dito.

Ayon kay Vandolph, hindi naman talaga mawawala ang posibilidad na muli niyang maalala ang nasabing aksidente sa buhay niya. Pero paglilinaw niya, hindi naman daw siya nagkaroon ng phobia.

“Ako kasi ang iniisip ko palagi, ‘pag nagka-phobia ako hindi ako makaka-move on. Kumbaga kailangan kong i-overcome ‘yong fear lagi. Pasalamat na lang talaga ako sa Panginoon na mayroon lang siyang plano sa akin siguro,” saad ni Vandolph.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Bagama’t hindi nagka-phobia, aminado rin naman si Vandolph na ayaw na niya ulit pang sumalang sa Intensive Care Unit (ICU).

Kaya kapag nararamdaman daw niyang medyo bumibilis ang kaniyang pagmamaneho, ‘matik na bumabagal siya.

“I died na for a minute ‘di ba. One minute akong flat line.” kuwento ni Vandolph.

“Actually, nag-cut ‘ata ako noon, e. Tapos bumiyahe ako going to Baguio kami ng girlfriend ko. Tapos ‘yon na [...] Umover take daw ako. ‘Di raw ako pinagbigyan ng inover take-an ko. Malayo pa naman ‘yong kasalubong. Hanggang sa bumabalik na ako sa likod ng inover take-an ko, bumabagal din. So hindi niya ako pinapabalik. So noong malapit na ‘yong kasalubong ko, umiwas siya ng shoulder. Doon din ako umiwas. So doon kami nag-meet,” aniya.

Nang magising daw siya sa ospital matapos ang aksidente, tinanong daw siya agad ng doktor kung anong huling naaalala niya. Sabi raw niya, nagba-basketball.

“Pagdilat ko, hindi ako makagalaw. Biglang payat ako,” sabi ni Vandolph.

Usisa naman ni Julius: “Meaning, matagal kang nakatulog.”

“1 month akong coma. 1 month akong nasa ICU. Nag-flatline ako sa helicopter, sa chopper,” wika niya.

Bagama’t naka-coma, gising naman daw ang diwa ni Vandolph noon. Hindi lang daw talaga siya makagalaw at makadilat.

Biro pa nga raw ng tatay niyang si Dolphy, “Kapag tumatagal-tagal ka pa, baka maging stockholder na ako ng Makati Med niyan.”

Pero sa kabutihang-palad, na-revive naman si Vandolph. In fact, kasalukuyan siyang konsehal sa lungsod ng Parañaque at gumaganap din bilang “Bong” sa “Batang Quiapo.”