Nag-babu na ang basketball player na si James Yap sa kaniyang numerong 18 matapos ang paglipat niya mula sa "Rain or Shine Elasto Painters."

Sa paglipat niya ng bagong koponan, bibitbitin niya ang numerong 15.

"Farewell Eighteen… the jersey number I’ve always had since I started playing serious basketball… from Hua Siong College Iloilo, to UE, to PBL, and then PBA," anang Yap.

"I guess it’s safe to say that this number will always be a part of me, my career, my whole life. Thank you God for the privilege, the blessings, the awards, and championships I got, while carrying this number. Grateful ako sa lahat ng hirap at lahat ng saya na dumating sa buhay ko, habang bitbit ko ang number na’to."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"As I move into a new team, a number will be given to me. Sana suportahan niyo parin ako, wala naman magbabago… iiwanan ko lang ang number 18, pero hindi ang BASKETBALL."

"Thank you and goodbye number 18, that was a meaningful and unforgettable run. 🫡 Say hello to your new Bossing, James Yap, number 15.🏀," aniya pa.

Buo naman ang suporta sa kaniya ng fans, na kahit daw magpalit pa siya ng numero, ang 18 ay nakatatak na sa kaniya.

"James Yap is 18 and 18 is James Yap."

"Idol since 2003 salamat sa lahat ng alaala number 18."

"Legend. Humble & hungry 💪🏾"

"The history of #18 will be unforgettable for us 🙏🏾💯"

"Magpapalit na ko ng number sa liga haha."

"The king is back"

Noong Enero 29 ay nag-post na siya ng farewell at pasasalamat sa nabanggit na team.

"After much prayer and reflection, I have decided to end my journey as an ElastoPainter. I have truly appreciated all those who have supported me during this time and thank you for making me part of your family for 7 years. I also want to extend my gratitude to the team’s management for graciously approving my request for release and allowing me to move forward to begin the next chapter in my life. I will always be grateful for this team @bayanngros , for all the memories, and for the lessons we went through together. 🙏🏀," aniya.

Si James Yap, ay ama ni Bimby Aquino Yap, na anak naman nila ng dating misis na si Queen of All Media Kris Aquino.

Sa ngayon ay may sariling pamilya na ulit si Yap.