May bagong aabangan ang fans nina Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo at singer-actor Billy Crawford.

Sa latest Instagram post kasi ni Sarah nitong Sabado, Pebrero 10, ipinasilip niya ang concept photo ng kanilang musical collaboration na pinamagatang “My Mind.”

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

View this post on Instagram

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

Nakatakdang ilunsad ang “My Mind” sa darating na Pebrero 16, 8:00 ng gabi, batay sa naunang art card na ibinahagi ni Sarah sa nasabing social media account.

Tila excited naman ang kaniyang fans sa bagong niluluto ng dalawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ayan na sya!!!”

“good job sis and to the team @gproductionsph !!! this is a rollout!”

“Perfect. Dapat ganito lagi, hindi 'yung biglaan lagi.”

“you are now the queen of ppop.”

“Hhahahahaha scam sa album and buntis.....MV pala! can't wait 😍💯”

SEATED AT 1ST ROW!”

“Yes mother! Feed us! 🤍✨”

“Girl you better slay the house boots down!”

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagpapalit ni Sarah ng kaniyang profile picture na inakala pa ng mga netizen na pahiwatig na buntis na siya.

MAKI-BALITA: New album or preggy? Pagpapalit ni Sarah G ng profile picture, usap-usapan