Alam na alam ng mga guro at mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng "Catch-up Fridays o CUF."
Inilunsad ang gawaing ito ng Department of Education (DepEd) na kailangang i-implement ng mga paaralan, upang mapatatag ang pundasyon ng mga mag-aaral sa iba't ibang kasanayan, na isa sa mga layunin ng basic education curriculum. Ang mga kasanayang ito ay magagamit sa pag-aaral at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mag-aaral.
Sa kasalukuyan ay nakapokus ang Catch-up Fridays sa "Drop Everything and Read (DEAR)." Ang DEAR ay naglalayong maipanumbalik sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng iba't ibang babasahing naka-imprenta, lalo na ang mga akdang pampanitikan.
Iba-iba ang naging paraan ng iba't ibang mga paaralan at guro kung paano ito maisasagawa. Nailabas ng mga guro ang kani-kanilang malikhain at malawak na imahinasyon kung paano makukuha ang atensyon ng mga mag-aaral upang mahikayat silang magbasa.
Para sa award-winning writer at propesor sa kolehiyo na si Genaro Gojo Cruz na kilala sa mga akdang pambata, hindi dapat gawing komplikado ang pagsasagawa ng Catch-up Fridays.
Ang iba raw kasi ay tila papunta na sa party o kaya naman, parang umaantas na sa "Palarong Pambansa."
Nakikiusap si Gojo Cruz na gawin sanang simple lamang ito at huwag lumayo sa tunay na layunin nito.
"Pakiusap po!"
"Iwasan po ang kung ano-anong ipinagagawa sa catch-up Friday sa inyong paaralan. Iyung iba nagiging parang party sa Jollibee, at ang iba naman, palarong pambansa. Ang ikinatatakot ko, baka maging beauty contest na itong programa sa pagbasa!" aniya sa kaniyang Facebook post nitong Pebrero 11.
Nagbigay ng mungkahi ang Palanca awardee sa pagsusulat ng kuwentong pambata kung paano magiging simple pero nakatutupad sa layunin ang gawaing DEAR.
"Simple lang po talaga sana. Kumuha kayo ng banig. Maupo kasama ang mga mag-aaral. Magkuwento kayo ng isang aklat-pambata sa kanilang wika."
"Pakiusap po!"
"Ito lang po ang gagawin sana po ninyo:
"Gawain bago magkuwentoGagawin ng bata habang nakikinig (dapat guided sila ng objective/malinaw sa kanila bakit nila kailangang makinig)."
"Gawain pagkatapos magkuwento (processing, tahi-tahiin ang ginawa bago magkuwento at gawain habang nakikinig)."
"Diyos ko po naman."
"Ang nasabi ko na lang talaga!"
Sa isa pang Facebook post, stila nagpapahiwatig din si Gojo Cruz na huwag naman sanang isabay ang meeting ng mga guro sa tuwing may CUF.
"Catch-up ang Friday sa pagbabasa pero magpapameeting si Madam Principal sa guro. Kaya hayun ang students bahala sa sarili nila! Another nakupo na naman!" aniya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Applicable po ang magkwento when u are teaching pupils that can read. But s non- reader, I dont think that simple story telling to them will help. We are talking of primary level that actually cannot READ.my POV."
"I agree with Sir Genaro Cruz. Effective talaga sa non-readers ang pakikinig sa pagkukuwento lalo na sa primary level. Dapat alam ni teacher ang teaching strategies sa ganitong klaseng mga bata. Mahalaga po na frequent ang ganitong pagtuturo para masanay sila at hindi occasional lang."
"Simple lang naman, magbasa kayo pag friday... Tapos ipasa nyo narrative report, intervention plan, compilation of materials, DLL 😆"
"Develop natin ang love for books muna. Kapag ang bata ay gustong gusto ang libro, kahit tingin tjngin lang sa mga pics, buklat buklat lang. Eventually napakadali na nyan turuan magbasa at with comprehension pa. Sa bahay din kasi nag-uumpisa yan. Kaya kudos sa mga magulang ko na suportado ang hilig ko sa mga libro noong bata pa ko. Just my two cents. 😊"
"Catch-up Fridays (Complicated Edition) po ang gusto nila🥺 ang nasa Field ang pinapahirapan. Hays!"
"Agree yung iba kc sila normal lng paba pabasa. Hahaha. Mag effort tayo para maging enjoyable ang learning experiences ng mga bata. Yun lang✌️✌️✌️"
"kailangan ba talaga sa catcup friday gawin mga ito. bakit hindi gawin sa regular class, andaming competencies ang hindi naituturo lahat dahil sa sobrang dami ng class disruptions every quarter. itigil na ang CUF"
"Louder, hindi 'yong kung ano-ano pinapagawa!"
Samantala, bukod sa kasanayang pagbasa o reading, inaasahang magpopokus din ang CUF sa "values," "health," at "peace education."
MAKI-BALITA: DepEd, ipatutupad na ang ‘Catch-up Fridays’ simula Enero 12