Sumalang sa one-on-one talk ang award-winning actor na si Baron Geisler kasama ang dating child star na si Jiro Manio.

Sa special episode ng Marites University noong Biyernes, Pebrero 9, tinanong ni Jiro si Baron tungkol sa karakter na ginampanan nito sa pelikulang “Doll House”. 

“Paano mo inatake ‘yong role?” usisa ni Jiro.

“Parang hindi na yata ako umarte doon, e,” natatawang sagot ni Baron. “I played Rustin as Baron Geisler na dinagdagan ko na lang na “A, okay. Anak ako ng general.’”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Tatay ko naman kasi halos parang general din, e. Military man. Isa rin ‘yon sa mga rason kung bakit ako napariwara, e. ‘Yong pagiging sobrang strict ng magulang ko. Kaya rin siguro si Rustin ‘yong pag-atake ko sa kaniya is a rebellious lost soul,” aniya.

Dagdag pa ni Baron, noong nandoon daw sila sa Netherlands, hindi raw niya alam kung anong ginagawa nila. Basta pagkatapos magbigay ng takdang-oras ang direktor nilang si Marla Ancheta, dapat alam na ng bawat isa ang kani-kanilang linya pagsalang sa set.

“Noong pinanood ko, bro. Noong inedit na nila, magic. Naiyak na lang ako kasama ng misis ko. Wow, ngayon ko lang naintindihan ‘yong magic ng editing and trusting my director,” saad ni Baron.

Matatandaang nasungkit ni Baron ang Asia's Best Actor in a Lead Role sa Thailand International Leadership Awards 2023 dahil sa pagganap nito sa “Doll House.”

Hindi naman ito nakakapagtaka dahil marami talagang netizen ang napabilib sa aktingan ng aktor sa nasabing pelikula.

MAKI-BALITA: Baron Geisler, puring-puri sa kaniyang aktingan sa ‘Doll House’