Nakatakdang katayin ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang 33 na baboy matapos mahawaan ng African swine fever (ASF) sa Peñablanca at Alcala.

Kinumpirma ng Provincial Veterinary Office ng lalawigan na kabilang nagpositibo sa sakit ang 12 na baboy mula sa Barangay Nabbabalayan, Peñablanca. 

Paliwanag ng veterinarian na si Fdr. Myka Ponce, kasama rin sa kakatayin ang 17 na baboy mula sa Centro Sur sa Alcala at apat pa sa Brgy. Tupang sa nasabi ring bayan dahil na rin sa ASF.

Probinsya

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa damuhan

Nasa walo aniyang babuyan sa lugar ang naapektuhan ng sakit.

Dahil dito, ipinagbabawal na ang pagpasok ng mga buhay na baboy sa lalawigan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Pinayuhan din ni Ponce ang mga nag-aalaga ng baboy na kumunsulta kaagad sa Municipal Agriculturist Office (MAO) kapag nakitaan ng mga sintomas ng ASF ang kanilang baboy.